
Rohan Fan Literature/Love Story by PaulSeven (haydol!)
Hmm…ok time to get cheesy and summon the butterflies in yer guts.
Here’s a story from your very own PaulSeven (you prolly know him in-game and at the forums), read it and savor its kilig moments XD. Although…I have to admit, this is a wee bit bordering on the “patama” side for me…it does have reference of Rohan GM’s (buti nalang CM ako LOL)
Anyway..take a break and enjoy PaulSeven’s story. If you have stories, art and anything you want to share with the Rohan Community just email it to me at krieger@levelupgames.ph (Just make sure they are “work-safe” or “General Patronage” ok? ^_^)
-GM Krieger
Read on for the full details…
“Crush Nya Si GM”
by: PaulSeven
“Iniwan na nya ako..” mangiyak ngiyak ang boses nya nun habang nag-uusap kami sa phone.
“Ha? How come? Ano daw rason?” tanong ko.
And for the next hour, ikinwento nya sa’kin kung ga’no sya nagpakatino sa kanilang relationship samantalang ang walang kwentang ex nya ay busy na busy sa paglalaro ng isang online game at ipinagpalit sya sa ibang babae na mas panget pa daw sa kanya, sa kadahilanang magaling daw yun sa online game na nilalaro ng ex nya. What a dumbass jerk.
Anyway, hindi naman talaga sya panget, in fact, maganda sya para sakin, and take note, pihikan pa naman ako sa mga babae. She wears glasses sometimes, which I have to admit, it makes her look geeky but freaking hot, has these adorable, and soft brown eyes na match na match sa kanyang shoulder length brown hair at tan skin. See, maganda diba?
“I need to.. Move on..” huminga sya ng malalim.
“Sabagay.. I mean, come on, pinatunayan lang nung ex mo na kaya nyang sayangin at ipagpalit ang almost one year na naging relationship nyo sa isang computer game..” geez, the world never runs out of it’s supply of stupid people.
“I want vengeance..”
“Vengeance..? What do you mean?” tanong ko.
“Gusto kong gumanti.. Ipinagpalit nya ako sa isang game.. So ang gusto ko, game din ang gagamitin ko para makamove on..”
“Okay..” hmm, san nga kaya to patungo?
“Diba gamer ka? Suggest ka nama nng pwede malaro na game oh..”
Hmm.. Isa lang naman ang nilalaro kong online game ngayon, ang Rohan..
“Well, isang online game lang ang nilalaro ko now, which is Rohan, an MMORPG.”
“Rohan? Okay sige. Turuan mo ako nun ha?”
“Sige, walang problema. Ganito, I’ll give you the url for the Rohan forums at sa Rohan website para makabasa ka ng mga help topics for new players, tapos bukas, magmeet tayo sa isang internet cafe para maturuan kita ng basics bout the game. Itetext ko nalang sayo ang location okay?”
And so, the next day, I took a one day leave from work at inantay ko sya sa isang internet cafe. Nagleave pa ako ha, that’s how special she is to me.
Nung umupo na kami sa magkatabing pc..
“Alam mo, may crush na ako agad sa Rohan..” sabi nya.
“Oh? ayos ah. Sino naman?” tanong ko.
“Si GM “…” .”
GM “…”? What the “~_~. Ang antipatiko, strikto, supladuhin, matoles na GM ng rohan? Sa dinami-daming naggagwapuhang mga lalake sa forums like PaulSeven for example? Ewan ko lang pero..
“Pano mo naman naging crush si GM “…” ?”
“Eh.. Supladuhin kasi sya, pero, yung mga sinasabi nya, may sense lahat.. Which is, I find awesome in a way. Maangas at strict yung dating nya pero tama lang naman diba kasi GM sya, pero he’s still trying to be friendly in a way.. Ay teka pa’no nga ulit ito patakbuhin? Naglalakad na lang kasi yung character ko, ang bagal..”
At dun na nagsimula, halos araw-araw nag-uusap kami about sa mga skills na dapat gagamitin nya, sa mga stats na i-aadd, sa mga quests.. Sabi pa nya, salamat daw kasi somehow nakakalimutan na nya ang ex nya dahil sa busy sa in-game. At hindi rin nya nakakalimutang magtanong tungkol kay GM “…”.
Minsan nga nung nag-usap kami..
“Alam mo, sobra na ata ang pagkahumaling mo jan kay GM “…” “ ang sabi ko.
“Hay nako, ayan ka na naman” ganti nya naman.
“Eh hindi mo pa nga nakikita yun personally diba? Pa’no kung..”
“Eh ano naman ngayon.. Hindi naman yung personal appearance nya, kung ano man yung pagmumukha nya, ang nagustuhan ko sa kanya kundi yung attitude nya okay?”
“Eh yung policies nila na..”
“Wala akong pakialam! Pwede ba itigil na natin tong usapan na to, umiinit lang ang ulo ko. Promise!”
It’s no use quarreling with her talaga, talo ako.
Two months passed, and February came.
“Have you heard about the most talked about event sa Rohan?” tanong nya sakin that night nang tumawag ako.
“Huh? Ano?” was my reaction.
“Yung Date a GM event!!”
Ang Date a GM event, the highlight of Rohan PH’s love month celebration. Any Rohan player who have at least 1,430 Rohan Points (Bonus Rps not included) on or before February 7 are qualified to join the event. All they have to do is email their account username, full name, server, character class, stat build, address and contact number to dateagmevent@levelupgames.ph.
rules:
1. One winner per player gender only (one girl, one guy).
.
.
.
prizes:
- An all expenses paid date with GM “…” for the male winner and GM “…” for the female winner.
- 143 million crones.
- Valentines Day Tux (for male) and Valentines Day Gown (for female) costume. +15 to All Stats, +143 Defense, +143 Attack, +143 Hp and Mp.
- Winner’s Final Weapon of Choice. +143 Stats (Based on the stat build indicated by the player on his / her entry), 52% Melee Attack / Range Attack / Magic Attack (To be indicated by the winner), 45% Weapon Attack, 50% Health, 45% Damage drop. Deleveled to level 50.
“Ah.. Yun pala..” sabi ko.
“Nagsubmit na ako ng entry, ikaw?” tanong nya.
“Hindi ko alam, hindi ako interesado,at may trabaho kasi ako that day..”
“What? Sunday yun ah.. Mag day-off ka naman, palagi ka nalang busy.. Baka magkasakit ka nyan, napapabayaan mo na ang sarili mo..”
“Wala namang nag-aalaga eh.. Thanks for the concern though..”
Yeah, she’s special indeed, and I have to admit, nahuhulog na talaga ako sa kanya.. Pero..
The days passed, wala kaming communication, I think she’s busy at ganun din naman ako, with all the work and reports to finish.
Valentine’s day. I was ten minutes early for the scheduled date, and to be honest, hindi talaga ako excited masyado. sa dinami-dami ba namang girl players na nagsubmit ng kanilang entries para lang makadate ako, hindi ko alam kung makakasundo ko sila, tsaka, kung meron man talaga akong gustong idate ngayon, isang tao lang yun.. Naisip ko na rin na, yung prize lang siguro ang habol ng makakadate ko ngayon.
I mean, who wants to go out on a date with the antipatiko, strikto, maangas, supladuhin at nakakatakot daw na GM.. Who is.. Me?
Sabi sakin ni boss na, from Edoneh daw yung nabunot nila, pero di nila pinaalam sakin kung sino para daw surprise.
Naisip ko tuloy, Edoneh nga pala ang server na kung saan sya naglalaro. Pa’no kaya kung? Nah, no way. Marami kayang babae sa Edoneh, at yung chance, well, maybe is one in a thousand.
I am never a fan of miracles, pero I swear I became a number one fan instantly when ten minutes later, two of the staff were leading my blindfolded date to our table. Her familiar figure, her hair, her skin.. At bigla na lang akong kinabahan..
“Hala, a-anong ginagawa mo dito? Don’t tell me..” reaksyon nya nang alisin nya ang blindfold.
“Yeah ako nga, so ano ba pag-uusapan natin? Let’s get this over with nang makuha mo na ang prize mo, because I still have work to do, may mga violators pa akong paparusahan” I said in a very cold, hostile voice.
“Ay.. Nakakatakot ka naman.. Ba’t parang ang supla-suplado mo ah..”
“Bakit? Diba type mo yung pagkasuplado ko?”
“Hmp! Sapakin kaya kita jan, di ka nga nagpapakilala eh, me patanong tanong ka pa daw kung bakit ko crush si GM “…” tapos..”
“My job is supposed to be a well-kept secret. Company policy.”
Natahimik kami, pakiramdaman, titigan, then nagtawanan na lang.. Hay.. Damn.. She really makes me..
“Seriously, totoo ba talaga? Na di dapat ipaalam?” tanong nya.
“Yeah, in a way. Kaya nga nung inintroduce ko sa’yo yung game, medyo nag-alinlangan ako, baka may makaalam at iisiping favoritism na in a way.”
Yun, kwentuhan pa.. damn it, hindi pa rin ako makapaniwala. Alam nyo, mahirap ang trabaho, halos breakfeast, lunch, dinner at snack ko, reklamo. Maraming kailangang asikasuhin, kaya ang hirap ngumiti at madalas suplado na talaga.
Pero, nung times na, nagkakausap kami sa phone, parang nakakalimutan ko ang pagiging GM. Hindi ako nagiging suplado, at palagi na lang ako nakangiti. Hmm, date to, and I have to admit na, medyo matagal ko na talagang plano na magtapat, and, umm, manligaw sa kanya, pero di ako makatiming eh. Pero thanks to my gm-ship, mukhang abot kamay ko na ang chance, which is right now.. Time to grab it..(tan dan daaaaan!)
“So.. GM.. Alam mo na kung sino yung crush ko di’ba? Okay lang ba if malaman ko din yung sa inyo?” tanong nya.
“Actually, wala talaga akong time sa mga crush crush na yan.. Tsaka taken na ako eh..” sagot ko naman.
“Taken? Teka kailan pa? Ikaw ha, di ka nagkukwento..”
“Emotionally taken..” (antoles syet! XD)
“Wow. Lalim nun ah.. Sinech ba yan ha? Pwede clue?”
“Sure.. Sya yung babaeng tinuruan ko maglaro ng isang online game a few months ago.. Funny nga kasi gusto nya daw ng vengeance and yung game na inintroduce ko sa kanya ay may slogan an vengeance is always an option..”
Bago pa man sya makasagot, I reached out and held her hand across the table, then nagpatuloy ako.
“Sorry kung biglaan man tong sasabihin ko pero, matagal na matagal ko na talagang gustong sabihin at ipagtapat to. You’ve been my special girl for a long time, Ive grown to like, and love you in a way. Kaso nga lang, parang natotorpe ako pag nakakausap kita. Tsaka, kilala ako ng lahat bilang isang suplado at nakakatakot na gm, yet you’ve told me na nagustuhan mo ang kahit na ganung ugali, pero, yung other side of me lang ang nagustuhan mo, at hindi ko maperceive kung gusto mo rin ba ang non-gm side ko which is ibang-iba. I lied to you pa nga kasi, di ko sinabi sa’yo na iisang tao lang kami ng GM na crush mo at yung kaibigan mong nakakausap sa phone..”
“Pwede bang dumiretso na tayo Reverend Father, matatapos na ang Valentines Day eh baka di pa tapos yang sermon mo..” sumabat na lang sya bigla.
“Oh sige, heto na.. Will you marry me?”
“Ano!? Batuhin kita ng baso jan gusto mo? Marry me, marry me ka jan!?”
“Umm sige, girlfriend nalang muna kita, tapos pakasal na tayo two years after para asawa na, oks?”
“Hmm.. Matanong nga muna kita.. May benefits ba ang maging girlfriend ng isang gm?”
“Syempre naman. may special treatment.”
“Ano? Special treatment? Eh di ka ba mapaparusahan o mawawalan ng trabaho yan? Diba ang mga gms dapat fair? Walang favoritism?”
“Special treatment.. In real life yes, in-game no. Di’ba mas importante naman yung irl? Tsaka, ikaw ah, wag kang-magbot, mang scam, mang hack, mang rmt o kung anu ano pang violation jan dahil pag naging pasaway ka, ako mismo maghahatid sa’yo sa jail.”
“Aba. Ang angas ni GM ah.”
“Oo nga, pero kaya mo naman ako nagustuhan dahil maangas ako diba?”
“Yeah, I admit. maangas and nice, a GM and someone whom I can lean on to. Tsk tsk, I fell inlove to whom I thought as two different people, only to find out that I got myself the whole package right in front of me..” she smiled.
“And I love you too” I smiled back and leaned on clsoe to her face, shutting my eyes as we got closer.
ohh.. you make me smile.. ^_^
-END-
Got something you want share with the Rohan community? Email it to krieger@levelupgames.ph and it may well be your work posted here at the Rohan Blog!












